Hi po! 🥹 May alam po ba kayong vet clinic around Taguig na may available na cardiologist for cats and may mga ganitong laboratory tests?
Yung cat ko po kasi ay inuubo. Nung una siyang nag-start umubo, pinatest na siya and thankfully, normal naman lahat ng results. Nawala rin po yung ubo niya, pero bumalik ulit after some time, although paminsan-minsan lang.
Ang advice po ng vet niya, if umabot sa 2–3 times a week ang pag-ubo, kailangan na siyang ipa-check sa cardio. Ngayon po kasi, halos everyday na siyang inuubo for about two weeks na. 🥲
Nag-ask na rin po ako ng referral sa vet niya, pero habang naghihintay, baka may ma-recommend po kayo na clinic around Taguig na may ganitong services.
Sa mga cat parents po na naka-experience ng ganito sa cats nila, ano po ang naging cause at ano ang ginawa sa inyo ng vet?
Thank you po sa mga makakatulong! 🙏🏻🐱